Tag Archives: earlybird

TUMBLR lovin’

Standard

REPOST. From my tumblr entry, weeks ago. ๐Ÿ™‚

Umaga na naman.

Palagi ko nababasa sa twitter kay Ogie Diaz na, every gising is a blessing.

Totoo naman. Pero blessing ba pag nagigising ka isang umaga na alam mong gutom ka na pero inaantok ka pa?

Yung tipong magiging magaling ka sa decision making dahil sa sitwasyon mo. Mahahain mo yung pros and cons sa dalawang bagay na pinagpipilian mo.

Ano nga ba ang mas matimbang?

Ano ang dapat unahin? Ang kumakalam mo na sikmura o ang diwa mong inaantok pa?

4AM na ako nakatulog kasi ang dami ko pa inatupag.

Lumamon ako ng madaming tinapay na may cheese at mayo. (YUM)

Nagsulat ako ng article pero hindi ko naman natapos dahil busy ako mag facebook at twitter. (UNPRODUCTIVE)

Tapos alas onse na pala. Shet. Nagugutom ako. Pero inaantok pa ako.

Busog naman ako ng matulog ako kaya naisip kong ipikit ko na lang ang mga mata ko at bumalik sa lugar na alam kong wala ako iniisip. Baka sakali mabusog ako kasi madami din naman pagkain dun.

Pero kelangan ko ng bumangon. Maglilinis pa ako ng bahay. At higit sa lahat, may lakad pa ako ng alas kwatro. Sa bagal kong kumilos, kulang ang isang oras para makapag handa. Ayoko naman mabulyawan ni Jahaj pag late ako. First date namin โ€˜to. HAHAHAHAHA. Syempre joke lang yun.

Dahil sabi nga nila, kelangan kong mamili. Naisipan kong bumangon na. After 30 minutes, naglakas loob akong tumayo sa aking kama. Yehess. Kasi nagugutom na rin naman ako. Mabuti ng gumising.

TANGINA. Slight solid lang. Pag tingin ko sa mesa, may ulam naman. YUM. Pero naghanap pa ako.

Naghanap ako ng kanin! Wala palang sinaing. O yeah. Ang galing ko magsaing eh. :/

Kaya eto, nagtyaga na naman ako sa tinapay na may cheese at mayo. At hinintay na lang aking tatay para sabihing โ€œwalang sinaing.โ€

Gusto ko mag tumbling. (Magaling ako dun eh. Nyahaha)

Naisip kong, sana pala natulog na lang ako. Busog pa ang mga mata ko.

Pero dahil ako ang taong may mantra na, NO REGRETS, okay na. May kanin na. ๐Ÿ˜›

Advertisements