Tag Archives: bukas

Salamat Manong

Standard

Kanina habang naghihintay ako ng sasakyan, nabunggo ako ng isang van na kung saan sinasakay ang mga patay. Funeral service kasi ang tapat ng bahay namin.

Pagka-urong nya, bilang hindi siya mahusay na driver dahil hindi nya ako nakita at ako ay nabangga, ng maramdaman ko na yung pagkabangga nya sakin, gusto ko siyang sigawan. Gusto kong magalit at maiyak. Pero pinili ko nalanag manahimik.

Napa-isip ako bigla, gusto na ba nya ako isakay sa van dahil kukunin na ba ako ni Lord? Napatawa ako sa naisip ko. Hanggang pagsakay ko ng jeep, biglang sumakit na ang katawan ko. Akala ko wala na akong mararamdaman na kahit ano.

Balikan natin ang kahapon. Habang naglalakad ako sa SM, gusto ko humagulgol. Para akong high sa droga dahil palakad lakad lang ako. Naisipan ko ng umuwi. Pagkasakay ko sa jeep, ¼ nalang ng pwet ko ang nakaupo. Ngumiti na lang ako imbis na magreklamo. Naisip kong may bababa naman kahit sa may Lalakay na bumaba yung isang pasahero. Okay lang. Dumiretso ako sa Vega para magpagupit. Nanginginig ako kasi ayoko talagang magpagupit. Wala naman akong naramdaman pagkatapos. Gumaan nga yung pakiramdam ko kasi nabawasan yung buhok ko. Yun lang. Hanggang sa nakauwi ako ng bahay at wag na lang pag-usapan ang mga nangyari. Akala ko pagkatapos ng gabing iyon, manhid na ako. Naubos na ang mga luha ko. Pero hindi pala.

Siguro magaling talaga ako magtago ng sakit na nararamdaman ko. Lahat dinadaan ko sa tawa. Para sa akin, ang mga bagay na tapos na ay hindi na kailangan iyakan pa. Sa bawat pagkakamali ko, at sa bawat pagkadapa, alam kong may bukas pa para baguhin ang mga iyon.

Ganito kasi ako. Hindi ako nabubuhay sa nakaraan. Mas importante sa’kin ang ngayon.  At mahalaga para sakin ang kinabukasan. Kaya nga nagigising tayo sa umaga para iwan ang kahapon at harapin ang bagong araw.

Masama man ako sa mata ng karamihan, alam ko sa sarili ko na wala akong pinagsisihan. Hindi naman ako perpekto. Sino ba?

Akala ko wala na akong mararamdaman na kahit ano. Akala ko manhid na ako.

Pero salamat manong driver, naramdaman ko ang sakit. Ang sakit ng katawan ko. May nararamdaman pa pala ako. At salamat dahil buhay pa ako. 😉

Bukas dala ko ang sakit ng nakaraan, pero katulad ng dati, habang kinkwento ko sa iba ang aking karanasan, idadaan ko na lang ulit sa tawa. Para saan pa na magalit ako sa mga bagay na tapos na. Kung binigyan nga ako ng isa pang umaga para harapin ang mga darating pang problema.

 

Advertisements